Nais niyo bang manood ng sine ngayong Araw ng mga Puso kasama ang inyong sinisinta o kahit ang inyong pamilya o barkada?
Huwag palampasin ang mga libreng pelikulang hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong linggo.
Ilulunsad ng FDCP ang “Sine Sinta: Pag-ibig at Pelikula” mula February 14 hanggang 20 sa ilang sinehan sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Maaari niyo nang panoorin o i-rewatch nang libre ang mga pelikulang Pilipino gaya ng That Thing Called Tadhana, Third World Romance, at Love Child.
ADVERTISEMENT
Mapapanood ang mga ito sa Fort Santiago, Metropolitan Theater, Luneta Park, at maging sa Cinematheque Centre sa Davao, Iloilo, at Negros.
Kaya set the date na mga kaakibat!

