Iginiit ng Malacañang na walang isusukong bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa mga dayuhan.
Ito’y matapos ang pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta na ipaubaya na ang Kalayaan Group of
Islands dahil hindi naman umano ito bahagi ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Hinamon naman ni Coast Guard Commodore Jay Tarriela si Marcoleta na sumama sa flight sa Kalayaan Islands para malinawan sa isyu.

