Inihain na sa Kamara ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Defense team ni VP Sara, iginiit na sasagutin ang mga paratang sa tamang forum.
Humaharap si Vice President Sara Duterte sa ikatlong impeachment complaint.
Inihain ito sa Kamara ng mga clergy members o mga indibidwal na may mataas na katungkulan sa Simbahang Katolika.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Reverend Father Joselito Sarabia, itinuturing nilang moral duty ang paghahain ng impeachment complaint laban sa bise presidente.
Kabilang sa mga paratang nila kay VP Sara ang betrayal of public trust, paglabag sa Saligang Batas, at high crimes dahil sa misuse o pagwaldas ng P612.5 million na confidential funds.
Iginiit din ng grupo na dapat ma-impeach ang bise presidente dahil sa kaniyang ill-gotten wealth o hindi maipaliwanag na yaman.
Hinimok ng grupo ang Kamara na i-impeach agad si VP Sara.
ADVERTISEMENT
Naniniwala din ang mga clergy members na ang impeachment trial ay pagkakataon ng bise presidente para maglahad ng ebidensya at sagutin ang mga paratang laban sa kaniya.
Naglabas naman ng pahayag ang defense team ni VP Sara at sinabing sasagutin ang mga paratang sa anila’y appropriate constitutional processes.
Nauna na rito, sinabi ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni VP Sara, na sasagutin nila ang mga paratang sa tamang forum.
ADVERTISEMENT
Ang ikatlong impeachment complaint laban sa bise presidente ay inendorso ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima.
Habang ang ikalawang impeachment complaint ay inendorso rin ng mambabatas.

