Para sa lahat ng aspiring songwriters! Ito na ang pagkakataon ninyo upang hasain ang inyong talento sa pagsusulat ng kanta. Isang songwriting workshop ang nakatakdang ganapin ng Filipino Christian Composers (Filccom).
Layunin ng nasabing workshop na gabayan ang mga local artists sa pagbuo ng mga musika na magbibigay ng papuri sa Panginoon, at gaganapin ito sa March 7, 2026 sa Jesus Our Hope International Assemblies, Cubao, Quezon City.
Tampok sa nasabing programa ang tatlong batikang eksperto sa industriya. Una na rito ang papuri veteran na si Ricky Sanchez, Vineyard Manila songwriter na si Randy Cruz at Filccom chairman na si Robert Verdejo.
Para sa mga interesadong lumahok, magtungo lamang sa official page ng Filccom para sa proseso ng registration. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging susunod na worship hitmaker! (Benedict Quejado/News Light)

