WeatherLatest News

PAGASA: Shear line, patuloy na mararamdaman sa PAR | News Light

Patuloy na mararamdaman ang shear line sa Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA.

Newslight · · Updated · 1 min read

Patuloy na mararamdaman ang shear line sa Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA.

Bagama’t walang low pressure area na binabantayan sa bansa, mararamdaman ang pananalasa ng shear line at asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.

Apektado rin ng shear line ang Katimugang Luzon at aabot naman ito hanggang Miyerkules.

Habang ang northeast monsoon o amihan ay patuloy na nararanasan sa Luzon, pati sa Metro Manila kung saan makararanas ng maulap na kalangitan buong araw.

ADVERTISEMENT

Habang ang Cagayan Valley, Aurora at Quezon ay makararanas ng mahihina hanggang katamtamang pag-ulan.

Naglabas ng gale warning ang PAGASA sa buong Luzon na aabot sa 2.8 hanggang 6 na metro ang laki ng alon. Iwasan muna ang paglalayag at sumunod sa payo ng lokal na pamahalaan lalo na sa mga maliliit na bangka na maglalakbay sa karagatan. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?