Good NewsFeatured

‘Art Fridates,’ inilunsad ng NCCA ngayong Pebrero bilang selebrasyon ng Nat’l Arts Month | News Light

Date idea ba ang hanap ninyo this love month? Bakit hindi kayo makilahok sa “Art Fridate” na inilunsad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA)?

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Date idea ba ang hanap ninyo this love month? Bakit hindi kayo makilahok sa “Art Fridate” na inilunsad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA)?

Kasabay kasi ng Buwan ng mga Puso ang National Arts Month kung saan binibigyang-pansin ang sining at ang mayamang kultura ng Pilipinas.

Sa temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,” maraming aktibidad ang nakahanda ngayong buwan kabilang na ang “Art Fridate” na gaganapin tuwing Biyernes.

Katuwang ang iba’t ibang lokal na pamahalaan, may pagtatanghal, talakayan, exhibit ng mga lokal na produkto at iba pa sa Likhang Filipino Exhibition Halls sa Pasay City.

Noong February 6, pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Angono, Rizal ang unang Art Fridate.

ADVERTISEMENT

Sa darating na Biyernes naman, February 13, pangungunahan ito ng Bulacan LGU, na susundan ng Biñan, Laguna sa February 20, Quezon province sa February 27 at Muntinlupa City sa March 6.

Kaya makilahok na at palawakin ang kaalaman sa sining ng bansa, mga Kaakibat!

What do you feel about this article?