News LightLatest News

PSA: Inflation ng Pilipinas, tumaas ng 2% noong Enero; Pinakamabilis sa loob ng 11 buwan | News Light

Bumilis sa 2% ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Newslight · · 1 min read

Residential districts of Manila city. Aerial view

Bumilis sa 2% ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito kumpara sa 1.8% na naitala noong December 2025, kung saan ito rin ang pinakamabilis sa loob ng 11 buwan.

Base sa PSA, ang pangunahing dahilan ng mas mataas na inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels na umabot sa 3.3% mula 2.5% noong nakaraang buwan.

Restaurants and accommodation services din ang may malaking kontribusyon sa inflation na umabot sa 4.0% mula 2.4% noong December 2025.

ADVERTISEMENT

Habang pagtaas din ng presyo ang naitala sa iba pang commodity groups sa buwan ng Enero. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?