Itinanghal na overall champion ang mga mag-aaral ng Oriental Mindoro National High School sa World Youth STEM Innovation Invention 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Nakipagtunggali ang delegasyon ng bansa sa mahigit 900 na kalahok mula Italy, Mexico, at iba pang bansa sa kompetisyong ginanap mula January 29 hanggang February 2.
Sa temang “Innovate for Future Community,” ibinida ng mga mag-aaral ang kanilang galing sa inobasyon, agham, at teknolohiya.
Pagbati para sa mga nagwagi!

