PoliticsLatest News

Mosyon ni Revilla sa pagpapalipat ng kulungan, ibinasura | News Light

Mananatili sa New Quezon City Jail Male Dormitory ang dating senador na si Bong Revilla matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang kaniyang hiling na mailipat sa PNP Custodial Center…

Newslight · · 1 min read

Mananatili sa New Quezon City Jail Male Dormitory ang dating senador na si Bong Revilla matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang kaniyang hiling na mailipat sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ayon sa desisyon ng hukuman, walang matibay na batayan ang mga paratang na may umano’y banta, pananakot, at pangha-harass na magiging dahilan upang ilipat si Revilla sa ibang kulungan.

Kaugnay ito ng kasong malversation through falsification of public documents na kinakaharap ng dating mambabatas kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.

Dahil dito, nananatiling epektibo ang kasalukuyang detention setup ni Revilla sa QC Jail habang dinidinig pa ang kaniyang kaso. (Pink Feliciano/News Light)

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?