Nakatakdang i-release ngayong araw — Biyernes, February 6 — ang pinakabagong project ng award-winning worship leader na si Chris Tomlin, ang awiting “Help My Unbelief” extended play (EP).
Ang carrier track na ito ay una nang narinig bilang bahagi ng kaniyang ika-18 studio album na pinamagatang The King Is Still the King, na inilabas noong huling bahagi ng 2025.
Dahil sa malakas na suporta ng mga tagapakinig sa mensahe ng kanta, minabuti ni Tomlin na gawan ito ng isang espesyal na extended play release.
Inspirasyon ng awit ang kuwento mula sa Bibliya na Mark 9 na nagbibigay-diin sa pagpapakumbaba at pagtitiwala sa Diyos kahit sa mga panahong tila mahina ang ating pananampalataya.
Ayon kay Tomlin, ang layunin ng EP na ito ay magbigay ng boses sa mga taong dumadaan sa pagsubok at naghahanap ng pag-asa.
ADVERTISEMENT
Kasabay ng release na ito, patuloy din si Tomlin sa kaniyang pakikibahagi sa Winter Jam 2026 Tour, kung saan inaasahang itatanghal niya ang mga awitin mula sa bagong EP at ang kaniyang timeless hits. (Benedict Quejado/News Light)

