Magkakaroon ng panibagong oil price hike ngayong linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa inilabas na presyo ng DOE, magkakaroon ng ₱1.40 hanggang ₱1.60 na dagdag sa bawat litro ng diesel.
₱0.60 hanggang ₱0.80 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang ₱0.90 hanggang ₱1.10 naman ang itataas sa kada litro ng kerosene.
ADVERTISEMENT
Ito na ang ikalimang sunod na linggong may taas-presyo sa diesel.
Samantala, ang dahilan ng dagdag-presyo ay bunsod ng nangyayaring geopolitical tension sa ilang bansa.

