Lumabas sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na anim sa bawat sampung Pilipino ang walang tiwala sa China at itinuturing itong pinakamalaking banta sa bansa.
Labintatlong porsiyento lang ng mga respondent ang nagsabing may tiwala sila sa China, bahagyang mas mababa kumpara noong Hulyo 2025, habang 26 porsiyento naman ang nagsabing hindi pa sila sigurado.
Halos pare-pareho ang resulta sa iba’t ibang rehiyon, na may 56 porsiyento ng distrust sa Visayas at 62 porsiyento sa National Capital Region.
Sa Mindanao naman, mas mataas ang naitalang tiwala sa China na umabot sa 18 porsiyento.
ADVERTISEMENT
Gayunman, sinabi ng OCTA Research na kapansin-pansin ang pagbaba ng kawalan ng tiwala, matapos bumagsak ng 25 puntos mula noong Hulyo 2025.

