News LightLatest News

Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng PH Women’s Open | News Light

Pasok sa quarterfinals ang pambato ng Pilipinas at world No. 49 Pinay tennis star na si Alex Eala para sa Philippine Women’s Open na patuloy na ginaganap sa Maynila.

Newslight · · 1 min read

Pasok sa quarterfinals ang pambato ng Pilipinas at world No. 49 Pinay tennis star na si Alex Eala para sa Philippine Women’s Open na patuloy na ginaganap sa Maynila.

Natalo ni Eala ang Japanese na si Himeno Sakatsume sa iskor na 6-4, 6-0.

Naging dikit ang opening set, ngunit sunod-sunod na ang naging atake ni Eala kinalaunan hanggang sa matapos ang laban.

Ayon kay Eala, natalo siya sa huling laban nila ni Sakatsume noong 2023 sa Osaka at hindi naging madali ang laban kaya’t isang pagbawi ang nangyari sa Rizal Memorial Sports Complex kagabi.

ADVERTISEMENT

Magpapatuloy si Eala sa quarterfinals kung saan makakalaban nito si Camila Osorio ng Colombia mamaya, January 29. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?