Matagumpay na na-repatriate noong January 17 ang siyam na Pilipinong na-exploit at nabiktima ng human trafficking sa Malaysia.
Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), karamihan sa mga biktima ay kababaihang nasa 23 hanggang 32 taong gulang at naloko nang mapangakuan ng lehitimong trabaho sa call center o may kaugnayan sa pagseserbisyo.
Ilan rin sa kanila ay dumaan sa irregular migration corridors gaya ng mga ruta sa Palawan at Mindanao papuntang Malaysia.
Dahil dito, nakulong sila dahil sa paglabag sa immigration at ilang buwang napiit sa kulungan bago i-deport.
ADVERTISEMENT
Pagkauwi sa Pilipinas, binigyan sila ng tulong ng Inter-Agency Council Against Trafficking.
Bunsod nito, iginiit ni BI Commissioner Joel Viado na walang lehitimong recruiter na magpapadaan sa mga backdoor kaya umiwas sa mga ito.

