News LightLatest News

ICC, naglaan ng apat na araw para sa confirmation of charges vs. dating Pangulong Duterte | News Light

Naglaan ng apat na araw ang International Criminal Court (ICC) para sa napipintong confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Naglaan ng apat na araw ang International Criminal Court (ICC) para sa napipintong confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity.

Sa dokumentong inilabas ng Pre-Trial Chamber I, limitado ang magiging schedule ng pagdinig.

Magsisimula ito sa February 23, Lunes, at magpapatuloy sa February 24, Martes.

Nakatakda naman ang February 26, Huwebes, at February 27, Biyernes para sa sunod na mga pagdinig.

ADVERTISEMENT

Sa haba ng confirmation of charges, maglalaan ang ICC ng medical accommodations para kay Duterte, na naunang idineklara fit to stand trial.

What do you feel about this article?