News LightLatest News

Sen. Hontiveros, tinawag na “bad guest” ang Chinese Embassy | News Light

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros sa Kapihan sa Senado kahapon na isang masamang bisita ang China sa ating bansa. Ito ay bunsod ng umiiral na hindi magandang mga pangyayari sa…

Newslight · · 2 min read

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros sa Kapihan sa Senado kahapon na isang masamang bisita ang China sa ating bansa.

Ito ay bunsod ng umiiral na hindi magandang mga pangyayari sa relasyon ng Pilipinas at China, partikular sa pag-atake ng Chinese Embassy kay spokesperson sa West Philippine Sea na si Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela.

Si Tarriela ang nagiging boses at isa sa mga kumandante ng PCG kung saan binabantayan nila ang karagatan ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon sa Embahada ng China sa bansa, hindi nagiging magandang imahe ang mga Chinese military na nagbabantay sa karagatang sakop umano ng Tsina dahil tumutulong ito sa mga mangingisda ng Pilipinas.

Giit naman ni Hontiveros, kailangang respetuhin ng Tsina ang mamamayan, batas, at resources ng bansa.

ADVERTISEMENT

Naglabas naman ng pahayag ang Department of Foreign Affairs kung saan nanindigan ito sa tamang ginagawa ng PCG sa West Philippine Sea.

Ayon sa pahayag ng DFA, sinusuportahan nito ang pamahalaan lalo na sa tungkulin nito na protektahan ang soberanya, karapatan, at hurisdiksiyon ng Pilipinas.

Patuloy na maninindigan ang Pilipinas sa posisyon ng bansa sa West Philippine Sea, pati sa international law na 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, at sa 2016 South China Sea Arbitral Award. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?