News LightLatest News

Rizal Memorial Sports Complex, handa na sa WTA 125: Philippine Women’s Open | News Light

Ipinakita ng Philippine Sports Commission (PSC) sa media ang bagong itsura ng Rizal Memorial Sports Complex, kung saan gaganapin ang Philippine Women’s Open sa bansa.

Newslight · · 1 min read

Ipinakita ng Philippine Sports Commission (PSC) sa media ang bagong itsura ng Rizal Memorial Sports Complex, kung saan gaganapin ang Philippine Women’s Open sa bansa.

Ang tournament na ito ay kwalipikado sa Women’s Tennis Association (WTA) 125, at nakatakdang maglaro si world No. 49 at Pinay tennis star Alex Eala.

Hindi lamang ang tennis court ang mas pinaganda, kung hindi pati na rin ang mga dormitoryo, media center, at VIP room. Nagdagdag rin ng gazebo sa loob ng complex.

Nagkabit din ng mga solar lamp, pinaganda ang baseball court, naglagay ng convenience store, at inayos ang cafeteria para sa mga atleta at mga bibisita sa complex.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PSC Commissioner Pato Gregorio, layunin ng komisyon na maging isang national heritage ang complex upang mas maging maganda sa paningin ng mga bisita at magbigay-pugay sa mga atleta ng bansa. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?