News LightLatest News

Ikalawang impeachment complaint vs Marcos Jr., hindi tinanggap ng Office of the House Secretary General | News Light

Hindi tinanggap ng Office of the House Secretary General ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Newslight · · 2 min read

Hindi tinanggap ng Office of the House Secretary General ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa progresibong grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), hindi tinanggap ng opisina ni House Secretary General Cheloy Garafil ang impeachment complaint dahil nasa ibang bansa ito.

Tanging si Garafil lamang ang awtorisadong tumanggap ng impeachment complaint.

ADVERTISEMENT

Nasa Taipei, Taiwan si Garafil upang tumanggap ng parangal mula sa Taiwan Foreign Ministry.

Sa kabila nito, iniwan pa rin ng mga nag-endorso ng impeachment complaint ang kopya nito sa opisina ni Garafil para sa kanyang pagbabalik.

Samantala, hinamon ng Palasyo ang BAYAN na patunayan ang tinatawag na BBM parametric formula, na isa umano sa mga impeachable act ng Pangulo.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga paratang ng Bayan sa inihain nilang impeachment complaint ang paggamit umano ng Pangulo ng baselined-balanced-managed (BBM) parametric formula sa paglalaan ng pondo para sa infrastructure projects.

Naniniwala ang BAYAN na nauwi sa ghost, substandard, at overpriced projects ang paggamit ng BBM parametric formula.

Hamon naman ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, maglabas ng patunay ang BAYAN.

ADVERTISEMENT

Pinag-ingatan din aniya ng Pangulo ang national budget dahil sa pag-veto ng mga unprogrammed funds, at hindi siya gumawa ng anumang impeachable offense.

What do you feel about this article?