PoliticsLatest News

Dating Sen. Trillanes, ilang grupo naghain ng kasong plunder at graft vs. VP Sara Duterte | News Light

Naghain ng kasong plunder at graft complaints sa Ombudsman si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV, kasama ang grupong The Silent Majority, laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Naghain ng kasong plunder at graft complaints sa Ombudsman si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV, kasama ang grupong The Silent Majority, laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y malawakang misuse ng confidential funds at iba pang anomalya.

Laman ng reklamo ang umano’y maling paggamit ng mahigit ₱650 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education, at ₱2.7 bilyon naman noong alkalde pa si Sara Duterte ng Davao City.

Tinutukoy din ang umano’y iregularidad sa ₱8 bilyong laptop procurement ng DepEd, kasama ang bilyon-bilyong pisong audit disallowances at unliquidated cash advances.

Ayon kay Trillanes, nadagdagan ang mga alegasyon na suportado lahat ng certified official documents kaya kumpiyansa kami na matibay ang kaso.

ADVERTISEMENT

Wala pa namang tugon ang kampo ni Vice President Sara Duterte hinggil sa mga paratang.

What do you feel about this article?