Binanatan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang kontratistang si Curlee Discaya matapos itong magpahayag sa Senado na para raw siyang “ninakawan” nang inutusan siyang ibalik ang pera kaugnay ng ghost flood control projects.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, sinabi ni Discaya na masakit para sa kanya ang utos na isauli ang perang natanggap.
Pero giit ni Dizon na malinaw ang mga ebidensiya na iniharap sa imbestigasyon.
Matatandaang humarap si Dizon sa Sandiganbayan nitong Martes para tumestigo sa bail hearing ng siyam na DPWH MIMAROPA officials na kasama sa kaso ng tumakas na dating kongresista na si Zaldy Co.
ADVERTISEMENT

