PoliticsLatest News

PBBM, buo pa rin ang tiwala kay ex-DPWH sec. Bonoan sa kabila ng flood control probe ng Senado | News Light

Naniniwala pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga testimonya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Senado sa kabila ng paratang na…

Giselle Crazo · · 1 min read

Naniniwala pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga testimonya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Senado sa kabila ng paratang na nagbibigay ito ng maling impormasyon sa imbestigasyon ng anomalous flood control projects.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, umaasa ang Pangulo na katotohanan lamang ang sinasabi ni Bonoan.

Naungkat ang isyu matapos ibunyag ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Ping Lacson na may umano’y maling listahan ng project coordinates na isinumite sa “Sumbong sa Pangulo” website, na saklaw ang mga flood control project mula 2022 hanggang 2025.

Nauna namang sinabi ni DPWH Undersecretary Arthur Bisnar sa Senado na posibleng mag-umpisa muli ang imbestigasyon.

What do you feel about this article?