News LightLatest News

Malacañang, nanindigang sinusunod ang due process sa kaso ng dating kaalyado na si ex-Sen. Revilla | News Light

Nanindigan ang Malacañang na nasusunod ang due process sa kaso ni dating Senador Bong Revilla.

Jomar Villanueva · · 1 min read
Photo courtesy of Ramon Bong Revilla, Jr./Facebook, May 25, 2022

Nanindigan ang Malacañang na nasusunod ang due process sa kaso ni dating Senador Bong Revilla.

Sinabi ito ng Palasyo kasunod ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isa kasi sa mga dahilan na inilatag sa impeachment complaint ang umano’y pagbubuo ng Pangulo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para protektahan ang kanyang mga kaalyado.

Bagay na pinasinungalingan ng Palasyo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, patunay ang kaso laban kay Revilla, na kaalyado ni Marcos Jr., na seryoso ang Pangulo sa pagpapapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.

What do you feel about this article?