Duda si presidential sister, Senator Imee Marcos, sa inihain na impeachment complaint laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Giit ng senadora, isa na namang drama series umano ito na mararamdaman sa loob ng isang taon.
Kilala na rin naman aniya ng taumbayan kung sino ang nag-file ng complaint at ano ang background nito.
Una nang sinabi ni Congressman Paolo Duterte na scripted umano ang first impeachment case kay Marcos.
ADVERTISEMENT
Agad namang pinasinungalingan ng Palasyo ang paratang na sinadya ang tila mahinang reklamo upang malusutan ang Supreme Court ruling na nagbabawal sa paghahain ng mahigit sa isang impeachment complaint sa parehong opisyal sa loob ng isang taon.

