News LightLatest News

DILG Sec. Remulla, wala umano special treatment na ibibigay sa kaibigang si ex-Sen. Bong Revilla | News Light

Tiniyak ni Interior Secretary Jonvic Remulla kahapon na walang magaganap na special treatment para sa inarestong dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. dahil sa malversation bunsod ng ghost flood control…

Newslight · · 1 min read

Tiniyak ni Interior Secretary Jonvic Remulla kahapon na walang magaganap na special treatment para sa inarestong dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. dahil sa malversation bunsod ng ghost flood control projects sa Pandi, Bulacan.

Ani Remulla, pinayuhan niya ang matagal nang kaibigan na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.

Dagdag niya, wala umanong exception sa batas at itatrato si Revilla gaya ng iba pang akusado.

Samantala, wala na rin umanong karapatan si Revilla na magkaroon ng mga baril, kaya in-obliga na rin umano siya ng awtoridad na isuko ang mga armas dahil sa paparating niyang detensyon.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyan namang nakakulong si Revilla sa Quezon City Jail sa Payatas, alinsunod sa utos ng Sandiganbayan. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?