Pinarangalan ang isang Filipina nurse sa Dubai matapos mangibabaw ang kanyang husay sa serbisyo at pangangalaga sa kanyang mga pasyente.
Tinanggap ni Kathrina Gonzales, isang staff nurse sa Outpatient Department ng Saudi German Hospital Dubai, ang DAISY Award o ang international award na kumikilala sa mga nurse sa buong mundo na nagpakita ng husay sa trabaho at malasakit para sa kanilang mga pasyente, maging sa kapwa nurse at mga kasamahan sa medical field, na higit pa sa inaasahan.
Apat na taon nagtrabaho si Nurse Kathrina sa United Arab Emirates bago bumalik sa Pilipinas upang maging community nurse mula 2013 hanggang 2021.
Kinalaunan, bumalik siya sa UAE at naging nurse sa Saudi German Hospital Dubai.
Lubos ang pasasalamat at saya na naramdaman ni Nurse Kathrina para sa kanyang parangal.
ADVERTISEMENT
Ayon sa kanya, mahalagang ipakita ang compassion at empathy sa mga pasyente anuman ang kanilang nationality o estado sa buhay.
Pagbati para sa iyong parangal, Nurse Kathrina.

