Good NewsLatest News

First-ever concert ng worship singer na si Taya sa Pilipinas, gaganapin sa The Big Dome | News Light

Opisyal nang inanunsyo ng kilalang worship singer na si Taya ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa darating na May 7 para sa kanyang kauna-unahang solo worship night na gaganapin sa…

Newslight · · 1 min read

Opisyal nang inanunsyo ng kilalang worship singer na si Taya ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa darating na May 7 para sa kanyang kauna-unahang solo worship night na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng dating Hillsong United member ang kanyang pananabik na muling makasama ang mga Pinoy para sa isang “hindi malilimutang worship experience.”

Agad na nag-trending ang balitang ito sa social media at inulan ng suporta mula sa mga fans at church communities.

Kaya naman, markahan na ang inyong mga kalendaryo dahil ang pre-selling ng tickets ay magsisimula na sa February 1.

ADVERTISEMENT

Si Taya ang boses sa likod ng global worship anthem na “Oceans (Where Feet May Fail).” (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?