Sa pananatili ng Bagyong Ada sa Pilipinas, tatlong maritime incidents ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay nito sa mga karagatan ng bansa.
Ang tatlong maritime incidents ay pawang kinasasangkutan ng mga motorbanca.
Ang unang insidente ay noong January 17, 2026, kung saan isang motorbanca na may lulan na dalawang crew at siyam na pasahero ang naabutan ng masamang panahon sa katubigan ng Limasawa Island, Padre Burgos, Southern Leyte.
Sa parehong araw, isa pang motorbanca na may siyam na indibidwal, kabilang ang operator nito, ang na-rescue habang may malalakas na alon sa Barangay Nonoc, Surigao City.
ADVERTISEMENT
Kinabukasan, 12 indibidwal naman ang na-rescue ng PCG sa parehong lugar habang malakas pa rin ang alon. Isa naman ang nasawi sa insidenteng ito.
Kahit wala ng malakas na along dala ng Bagyong Ada, patuloy pa rin umano ang pagbabantay ng PCG sa kaligtasan ng mga naglalayag sa karagatan. (Austin Gonzaga/News Light)

