Good NewsFeatured

Libreng guided tour sa The Metropolitan Theater, sinimulan na | News Light

Mga kaakibat, kung hindi pa kayo nakakabisita sa The Metropolitan Theater, ito na ang pagkakataon ninyong makadalo sa tour nito nang libre.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Mga kaakibat, kung hindi pa kayo nakakabisita sa The Metropolitan Theater, ito na ang pagkakataon ninyong makadalo sa tour nito nang libre.

Nagsimula na kahapon ang libreng guided tour sa The Metropolitan Theater tuwing ikatlong linggo ng buwan.

Sa public tour, iikot ang mga kalahok sa iba’t ibang artwork at art deco na tampok sa museo.

Para makadalo sa susunod na tour nito sa February 15, mag-register lamang sa kanilang guided tour, kung saan ang unang 100 registrant lamang ang makakalahok.

ADVERTISEMENT

Magtatagal ng isa hanggang isa’t kalahating oras ang naturang tour.

Kaya kung nais ninyo ring mamasyal at matuto kasama ang inyong pamilya, anak, kaibigan, o kasintahan, lalo na sa darating na buwan ng mga puso, huwag nang palampasin ang pagkakataong ito.

What do you feel about this article?