News LightLatest News

Dating DPWH Sec. Bonoan, nasa Pilipinas na; nakatakdang dumalo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa flood control mess ngayong araw | News Light

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nasa Pilipinas na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nasa Pilipinas na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ito ay matapos siyang mag-overstay sa United States.

Lumapag sa NAIA nitong Linggo ng umaga si Bonoan sakay ng isang China Airlines flight mula Taipei, Taiwan.

Lumabas ng bansa si Bonoan noong November 2025 para umano samahan ang kanyang asawa sa medical procedure nito sa US.

Si Bonoan ay isa sa mga dating opisyal na dawit sa katiwalian sa flood control projects.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang dumalo ngayong Lunes si Bonoan sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa flood control projects.

Bagay na hindi pa kinukumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lacson.

Tatalakayin sa Senado ngayong araw ang umano’y pagbibigay ng maling impormasyon ni Bonoan hinggil sa flood control projects coordinates na tinawag ni Lacson na panloloko ni Bonoan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

What do you feel about this article?