Hindi nakikita ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may legal na pananagutan ang Simbahan ng Quiapo sa pagkamatay ng apat na katao sa kasagsagan ng Pista ng Nazareno ngayong taon.
Base sa imbestigasyon ng NCRPO Homicide Division, wala silang nakikitang rason para kasuhan ang Quiapo Church sa nangyari, lalo’t alam ng mga lumahok sa aktibidad ang mga posibleng mangyari doon.
Kabilang sa mga nasawi ang photojournalist na si Itoh Son na inatake sa puso habang nagko-cover ng pahalik.
Habang tatlong lalaking deboto na may edad na 30, 33, at 41 anyos ang iba pang nasawi sa prusisyon.
Plano naman ng PNP na dagdagan ang idineploy na 700 kapulisan na miyembro rin ng Hijos del Nazareno para sa pagbabantay ng kaayusan sa susunod na Traslacion.
ADVERTISEMENT
Sa pagtataya ng awtoridad, ang Pista ng Nazareno ay isa sa pinakamalaking pagdiriwang na dinaluhan ng 9.64 million na mga deboto.
Ito na rin ang pinakamahabang Traslacion na umabot nang halos 31 oras.

