Naniniwala ang 59 percent ng mga Pilipino na mapapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, ayon sa pinakabagong Pulse Asia survey.
Bagamat higit sa kalahati ang patuloy na naniniwala na mapaparusahan ang mga sangkot sa korapsyon base sa December survey, mas mababa ito kumpara sa 71 percent noong September 2025.
Nasa 28 percent ang hindi pa makapagsabi kung sa tingin nila ay mapaparusahan o hindi ang mga sangkot, habang 13 percent naman ang naniniwalang hindi ito magaganap.
Samantala, pinakamataas ang tiwala ng mga Pilipino sa media pagdating sa pagtugon sa problema ng ghost o substandard na flood control projects.
Nakakuha ng 54 percent trust rating ang media, na sinundan ng 47 percent trust rating ng mga civil society organizations o non-governmental organizations.
ADVERTISEMENT
Taliwas ito sa 48 percent na small or no trust rating ng mga Pilipino kay President Ferdinand Marcos Jr. at 59 percent naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nilahukan ng 1,200 Pilipino ang naturang survey mula December 12 hanggang 15, 2025.

