Hindi sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang 2026 General Appropriations Act, ayon sa Malacañang.
Paliwanag ni Communications Undersecretary Claire Castro, inaasahan ng Palasyo na makukuha ang enrolled copy ng budget bago mag-Pasko.
Nitong December 9, inaprubahan ng Senado ang panukalang ₱6.7-trillion 2026 national budget kung saan ₱50 billion pesos ang mas mababa kumpara sa bersiyon ng Kamara.
Magkakaroon naman ng bicam ang Senado at Kamara para ayusin ang mga pagkakaiba sa bersiyon nila.
ADVERTISEMENT
Samantala, nangako naman ang Kongreso na ila-livestream sa publiko ang bicam meetings para sa higit na transparensiya sa paggamit ng pondo ng bayan.



