Binanatan ni Vice President Sara Duterte ang 60-day suspension ng kamara kay Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga matapos pinatawan ng parusa dahil sa umano’y “disorderly behavior” at “inflammatory” posts sa social media.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni VP Sara na bahagi ang suspensyon ng pagtatangka umano na patahimikin ang mga boses na nagsasabi ng hindi komportableng katotohanan.
Giniit ng bise na hindi ito ang unang pagkakataon na pinaparusahan ang mga kritiko ng gobyerno, kasama na ang pag-aresto sa kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.

