News LightLatest News

LTO, naglabas ng show cause order laban sa ama na pinayagang magmaneho ang minor na anak | News Light

Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang ama sa Echague, Isabela, matapos mag-viral ang video ng kanyang menor de edad na anak na nagmamaneho ng…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang ama sa Echague, Isabela, matapos mag-viral ang video ng kanyang menor de edad na anak na nagmamaneho ng sasakyan.

Makikita sa video na nakaupo lamang sa likod ang ama habang pinapabayaan ang bata, na nagdulot ng pangamba sa ibang motorista.

Dahil dito, pinapanagot ng LTO ang ama sa posibleng paglabag sa reckless driving at improper person to operate a motor vehicle.

Iniutos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang 90-day suspension ng lisensya ng ama habang hinihingi ang kanyang written explanation sa loob ng tatlong araw.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Lacanilao, lubhang delikado ang pagpapamaneho sa isang menor de edad at maaaring magdulot ng aksidente sa kalsada.

What do you feel about this article?