Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) na babantayan at tutugisin nila ang mga “isnaberong taxi” kasabay ng pagdami ng mga pasahero at mamimili ngayong holiday season.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, maglulunsad sila ng operasyon laban sa mga tsuper na namimili ng pasahero at nag-oovercharge.
Aniya, huwag samantalahin ng mga taxi driver ang holiday crowd lalo’t marami ang hirap sa buhay.
Hinikayat din ng LTO chief ang mga biktima na ireport kaagad ang mga mapagsamantalang tsuper sa opisyal na social media accounts ng LTO.
ADVERTISEMENT
Habang magtatalaga rin ang LTO ng mga tauhan na naka-civilian para hulihin ang mga mapang-abusong taxi driver.

