News LightLatest News

ICI, pinakakasuhan sina Bong Revilla at iba pa kaugnay ng flood control scam | News Light

Nagsumite ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng referral sa Office of the Ombudsman laban kina dating Senador Bong Revilla at iba pang indibidwal kaugnay ng maanomalyaing flood control projects.

Carlene Latuna · · 1 min read

Nagsumite ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng referral sa Office of the Ombudsman laban kina dating Senador Bong Revilla at iba pang indibidwal kaugnay ng maanomalyaing flood control projects.

Inirekomenda ng komisyon ang pagsampa ng kaso laban kina Revilla, negosyanteng si Maynard Ngu, mga opisyal ng DPWH na sina Gerard Opulencia, Manny Bulusan, Ruel Umali, Gene Ryan Altea, at iba pang posibleng sangkot sa anomalya.

Ayon kay ICI Chairman Andres Reyes Jr., posibleng kasuhan ng direct or indirect bribery, corruption of public officials, plunder, at administrative sanctions.

Samantala, inirekomenda rin ng ICI ang mas malalim na imbestigasyon kina Senador Chiz Escudero, dating Senador Nancy Binay, dating Senate Finance Chairperson Grace Poe, at Senador at dating DPWH Secretary Mark Villar.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Reyes, inirekomenda ang imbestigasyon sa mga indibidwal dahil sa bigat ng mga alegasyon laban sa mga ito.

What do you feel about this article?