News LightLatest News

DepEd, planong kumuha ng karagdagang 30k guro sa 2026 | News Light

Isa sa pinakamalaking hiring ng mga bagong guro ang inihahanda ng Department of Education (DepEd) sa susunod na taon.

Carlene Latuna · · 1 min read

Isa sa pinakamalaking hiring ng mga bagong guro ang inihahanda ng Department of Education (DepEd) sa susunod na taon.

32,000 na Teacher 1 items ang nakapaloob sa 2026 National Expenditure Program (NEP) bilang tugon sa mataas na bilang ng mga mag-aaral at mas malaking pangangailangan sa pagtuturo dahil sa mga taong nakaranas ng learning disruption.

Giit ni Education Secretary Sonny Angara, bukod sa dagdag na mga pasilidad at kagamitan, kailangan ang karagdagang guro upang mabawasan ang mag-aaral sa bawat classroom.

Maliban dito, kukuha ng dagdag na 6,000 School Principal 1 upang punan ang leadership gaps at 10,000 School Counselor Associate 1 upang tugunan ang tumataas na insidente ng bullying.

ADVERTISEMENT

Ang hiring ay hiwalay pa sa 20,000 na teaching positions na binuksan noong Fiscal Year 2025 at sa mahigit 33,000 pang hindi napupunang posisyon mula sa mga nagdaang taon.

Para naman mabawasan ang non-teaching workload ng mga guro, magbubukas rin ng mahigit 11,000 na Administrative Officer 2 positions at 5,000 Project Development Officer 1 position.

What do you feel about this article?