News LightLatest News

DA, magpapatupad ng MSRP sa pork cuts; nagbabalak ng import ban sa Spain dahil sa ASF | News Light

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na sisimulan na sa Biyernes ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa piling pork cuts sa gitna ng nakaambang pansamantalang import…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na sisimulan na sa Biyernes ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa piling pork cuts sa gitna ng nakaambang pansamantalang import ban mula Spain dahil sa African swine fever (ASF).

Bagamat nagkakaroon ng pangamba sa pagpapapasok ng karne dito sa ating bansa dahil sa banta ng ASF, matatag pa rin ang presyo ng karne ng baboy ngayong holiday season, kabilang na ang pagtatakda ng MSRP na ₱370 kada kilo para sa liempo at ₱350 kada kilo para sa pigue at kasim.

Paliwanag ng DA, ipagbabawal na rin ang mga pork products mula Spain na naproseso simula Nobyembre 11, maliban na lamang kung may sertipikasyon na ASF-free na ang mga ito.

Tiniyak din ng kalihim na hindi maaapektuhan ang lokal na suplay dahil sapat ang laman ng cold storage facilities at nananatiling maayos ang galaw ng presyo ng karne sa merkado.

Batay sa pinaka-latest na DA monitoring, ang presyo ng pork ham ay nasa ₱270 hanggang ₱390 kada kilo, habang ang liempo naman ay nasa ₱320 hanggang ₱470.

ADVERTISEMENT

Sisimulan din sa Biyernes ang MSRP na ₱120 kada kilo para naman sa imported carrots.

What do you feel about this article?