PoliticsLatest News

YouTube livestream channel para sa pagdinig ng ICI sa maanomalyang flood control projects, nagsimula na | News Light

Pormal nang inilunsad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang YouTube livestream channel nito para sa pagdinig sa maanomalyang flood control projects.

Giselle Crazo · · 1 min read

Pormal nang inilunsad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang YouTube livestream channel nito para sa pagdinig sa maanomalyang flood control projects.

Humarap sa kauna-unahang livestreamed hearing si Laguna 4th District Rep. Benjie Agarao, kung saan mariin niyang itinanggi na may personal na ugnayan siya sa mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya na nagparatang na kumita ng kickback ang mga mambabatas at DPWH executives.

Giit pa ng kongresista, hindi niya maunawaan ang motibo ng Discaya couple at iniinda na rin ng kaniyang pamilya ang epekto ng umano’y maling paratang.

Nagbabala naman si Agarao na posible siyang maghain ng legal na hakbang laban sa mag-asawa.

What do you feel about this article?