PoliticsLatest News

SP Sotto, hinamon na magsampa ng ethics complaint ang mga kritiko ng pagliban ni Sen. Bato | News Light

Hinamon ni Senate President Tito Sotto na mag-file ng ethics complaint ang mga tumutuligsa sa pagiging absent ni Senador Bato dela Rosa sa Senado kahapon.

Newslight · · 1 min read

Hinamon ni Senate President Tito Sotto na mag-file ng ethics complaint ang mga tumutuligsa sa pagiging absent ni Senador Bato dela Rosa sa Senado kahapon.

Ani Sotto, hindi na bago ang dalawa hanggang tatlong linggo pa lamang na pagliban ni Dela Rosa; ang ibang mambabatas nga umano, aniya’y isang taong hindi nagpapakita ngunit sumusuweldo pa rin — at wala namang umaangal.

Ayon din kay Sotto, pinakamagandang remedyo ang maghain ng ethics complaint ang mga nais panagutin ang senador para matalakay ang usapin. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?