Naglabas ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng top 5 cause of death sa Pilipinas, ang top 1: sakit sa puso.
Ayon sa datos na nakalap ng PSA mula Enero hanggang Abril ngayong taon, ika-lima ang diabetes mellitus o sakit na diabetes, ika-apat ang pneumonia, nasa ikatlo ang cerebrovascular diseases o stroke, at pangalawa ang neoplasms o kilala bilang “cancer” na may 22,837 na kaso o may 11.3 porsyento na ambag sa total deaths.
Habang ang ischaemic heart diseases o sakit sa puso na top 1 ay may 40,532 na cases o 20 porsyento sa nai-ambag sa cause of death sa Pilipinas.
Pumalo sa 202,331 ang registered deaths na nakalap ng PSA simula Enero hanggang Abril. (Austin Gonzaga/News Light)


