Pinapalusot umano sa pamamagitan ng cryptocurrency ang mga perang nakukuha mula sa flood control project anomalies, ayon kay Renato Paraiso, chair ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) Technical Working Group.
Ayon kay Paraiso, na siya ring deputy executive director ng Cybercrime Investigation and Coordination Center, nakita sa intelligence reports at mga bagong natuklasan na maaaring ginagawang USDT, o isang stablecoin na nakaangkla sa US dollar ang mga pondong ninakaw mula sa flood control projects.
Dagdag pa niya, narecover ng Anti-Money Laundering Council ang ilang USDT matapos makipag-ugnayan sa isang exchange na kusang nag-freeze ng kahina-hinalang transaksiyon.
Iniimbestigahan sa ngayon ang paggalaw sa cryptocurrency na maaaring nasa $50 million o $100 million.
ADVERTISEMENT
Kung mapatunayan ito, maaari ring humarap sa kasong cybercrime at makikipag-ugnayan rin sila sa International Criminal Police Organization.

