News LightLatest News

Mga special permit ng mga bus na babyahe ngayong holiday season, tinatapos na ng LTFRB | News Light

Sinasapinal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga special permits para sa mga pampasaherong bus, kabilang dito ang mga provincial buses na babyahe ngayong holiday season.

Newslight · · 1 min read

Sinasapinal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga special permits para sa mga pampasaherong bus, kabilang dito ang mga provincial buses na babyahe ngayong holiday season.

Ayon kay LTFRB Chairman Attorney Vigor D. Mendoza II, “The safety and comfort of the passenger will always be the priority,” at hindi sila nagbigay ng permit para lamang makabiyahe ang isang unit ng bus sa kalsada.

Giit din ni Mendoza na sa paparating na bisperas ng Pasko at Bagong Taon ay dagsa ang mga terminal ng bus dahil sa holiday season upang makita ang kanilang mga kamag-anak sa kani-kanilang mga probinsya, at pati na rin sa mga mamamasyal sa Maynila.

Umabot sa 1,413 na units ang nasumite na special permits simula ika-10 hanggang ika-21 ng Nobyembre, na may 116 ruta ang iikot sa buong bansa. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?