Maulan na panahon, asahan sa ilang bahagi ng bansa | News Light

📅

Nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa patuloy na epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Apektado rin ng northeast monsoon ang Cagayan Valley, Ilocos Norte, Apayao, Kalinga, at Aurora.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mahihinang ulan ang inaasahan sa natitirang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang partly cloudy to cloudy skies na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms, na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha sa malalakas na buhos.

ADVERTISEMENT

Nanatiling katamtaman hanggang malakas ang hangin sa Northern Luzon na may banayad hanggang maalong baybayin, habang banayad hanggang katamtaman naman ang kondisyon ng karagatan sa nalalabing bahagi ng Pilipinas.