Good NewsLatest News

Light TV, nag-uwi ng apat na Anak TV Seal Awards 2025 | News Light

Nag-uwi ng apat na parangal ang Light TV sa katatapos lamang na Anak TV Awards nitong Lunes, December 2, sa The Peninsula Manila, Makati.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Nag-uwi ng apat na parangal ang Light TV sa katatapos lamang na Anak TV Awards nitong Martes, December 2, sa The Peninsula Manila, Makati.

Kabilang sa mga nabigyan ng Anak TV Seal Awards 2025 ang News Light, Daylight Devotion, Shuffle, at, sa kauna-unahang pagkakataon, ang Straight from the Word.

Ang mga parangal na ito ay pagkilala sa Light TV bilang istasyon na naglalathala ng mga programang makabata.

Naging highlight din ng programa ang pagpapataanggap ng Makabata Hall of Fame nina Alden Richards at Robi Domingo.

ADVERTISEMENT

Ipinagdiinan din sa talumpati ni Ms. Elvira Go, presidente ng Anak TV, ang patuloy na adbokasiya ng organisasyon sa kahalagahan ng papel ng media sa paghubog ng bagong henerasyon.

Dahil dito, nangako ang Light TV na patuloy na maghahatid ng mga programang makabata at nakalulugod sa Diyos.

What do you feel about this article?