Anim na CIDG cops, inaresto sa pagnanakaw ng ebidensiyang POGO money ayon sa PNP | News Light

📅

Nilagay na sa restrictive custody ang anim na pulis ng CIDG na umano’y nagnanakaw ng ebidensiyang pera mula sa POGO raid sa Bataan noong October 2024.

Sa briefing sa Camp Crame, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na humigit sa ₱140 milyon ang nasamsam sa raid pero ibinalik ito ng korte matapos ideklaraang illegal ang operasyon.

Habang natuklasan namang nasa humigit ₱13 milyon ang nawala at may halong boodle money sa mga kahon ng ebidensiya.

Lumabas din sa imbestigasyon na siyam na kahon ng salapi ang hindi nakalista sa inventory at naitago pa umano sa bahay ng dating evidence custodian ng CIDG.

ADVERTISEMENT

Sinampahan na ng mga kasong kriminal noong November 29 ang anim na CIDG operatives. Kabilang sa mga kaso ang qualified theft at malversation of public funds.n