InternationalLatest News

9 Filipino crew ng M/V Eternity C na binibihag ng mga Houthi, papalayain na — DFA | News Light

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malapit nang palayain ang siyam na Filipino crew ng M/V Eternity C na matagal nang bihag ng grupong Houthi.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malapit nang palayain ang siyam na Filipino crew ng M/V Eternity C na matagal nang bihag ng grupong Houthi.

Ayon sa DFA, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga awtoridad ng Sultanate of Oman na tumutulong sa negosasyon para sa ligtas na paglaya ng mga Pilipino.

Bagama’t walang ibinigay na eksaktong timeline, sinabi ng DFA na ililipat muna ang mga seafarer mula Sana’a, Yemen, patungong Muscat, Oman.

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Muscat at Migrant Workers Office-Muscat na kanilang inaayos ang agarang pagpapauwi sa mga Pilipino sa bansa.

ADVERTISEMENT

Maaalalang siyam na Pinoy ang nabihag matapos lumubog ang barko dahil sa drone attack noong Hulyo, kung saan 22 ang sakay, kabilang ang 21 Pilipino, at ilang nasawi at nawawala.

What do you feel about this article?