PoliticsLatest News

₱14.4M na gastos sa foreign trips ng pangulo, hindi pa bayad — COA | News Light

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Office of the President (OP) matapos mabigong makolekta ang higit ₱14.4 milyon na advance payments para sa foreign travel expenses ng mga opisyal…

Annie Cristobal · · 2 min read

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Office of the President (OP) matapos mabigong makolekta ang higit ₱14.4 milyon na advance payments para sa foreign travel expenses ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon sa 2024 Annual Audit Report, hindi pa rin nababayaran hanggang December 31, 2024 ang mga gastusin para sa pamasahe at hotel accommodations na unang pinagbayaran ng Office of the President para sa mga opisyal na kasama sa mga presidential delegation simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

Ayon sa COA, ang patuloy na pagkaantala sa pagbabayad ay nakaaapekto sa pondo at maaaring tumaas ang panganib na hindi na makokolekta ang naturang receivables.

Kabilang sa mga biyahe na may hindi pa nababayarang gastusin ang mga presidential visit sa China, Japan, Estados Unidos, at iba’t ibang bansa sa Europe at Southeast Asia.

Napag-alaman din ng COA na wala umanong naunang kasunduan o formal repayment commitment sa pagitan ng OP at ng mga ahensyang kasama sa biyahe.

ADVERTISEMENT

Wala ring umiiral na polisiya o guidelines mula sa OP ukol sa billing at reimbursement para sa mga delegado ng official state visits.

Samantala, sinabi ng Malacañang nitong Martes na iniimbestigahan na nito kung bakit hindi pa nakakapag-remit ang ilang ahensya kahit matagal nang na-advance ng Office of the President ang kanilang travel expenses.

What do you feel about this article?