Mahigit isang buwan na lang at muling dadagsain ng mga deboto ang Quiapo para sa taunang Traslacion ng Itim na Nazareno. Nakatakda ang pista sa January 9, 2026.
Kaya ngayon pa lang, nag-anunsyo na ang lokal na pamahalaan ng Maynila at Manila Police District (MPD) ng maagap na pagsasaayos para sa seguridad at daloy ng tao.
Ayon sa MPD, mahigpit itong ipatutupad ang pagbabawal sa mga vendors malapit sa Quiapo Church.
Tuloy-tuloy na ang pagpupulong at inspeksiyon ng pamunuan ng Quiapo Church, MPD, at local government para sa paghahanda sa darating na kapistahan, kabilang ang isasagawang dry run para sa Traslacion 2026.

