PoliticsLatest News

Pang. Marcos, hindi umano ‘madi-distract’ sa mga nais siyang pababain sa puwesto | News Light

Hindi umano maaabala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga panawagang mag-resign o bumaba siya sa pwesto, ani Communications Secretary Dave Gomez kahapon.

Newslight · · 1 min read

Hindi umano maaabala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga panawagang mag-resign o bumaba siya sa pwesto, ani Communications Secretary Dave Gomez kahapon.

Sa panayam kay Gomez, sinabi nitong si Marcos aniya ang nagpalitaw ng anomalya sa flood control—kaya hindi ito kukurap at sisiguruhin niyang matatapos niya ang sinimulan niyang trabaho.

Dagdag pa ni Gomez, mino-monitor ni Marcos at ng buong administrasyon ang mga demonstrasyon dahil karapatan ito ng mga mamamayan; marami pa aniyang mapapanagot, kasama na ang “big fish.”

Ayon naman kay Akbayan Partylist Rep. Percy Cedaña, ultimatum na ang mga kilos-protesta kahapon dahil nakaiinip na ang mabagal na takbo ng imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

Hinimok din ni Cedaña ang presidente na ipatupad na ang anti-political dynasty at Independent Commission Against Infrastructure Corruption na mga panukalang batas. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?